BS Education, Philippine Normal University
“There’s no such thing as a child who hates to read; there are only children who have not found the right book.” —Frank Serafini
As a Literature major, I’ve seen and I’ve experienced how important a book is; how powerful it is that it could change and mold a reader’s life. Bukod kasi sa magagandang kwentong hatid nito, dulot din ng libro ang paglawak ng imahinasyon, dagdag na kaalaman at karunungang hindi kailanman makukuha sa kahit ano pa mang mamahaling gadget o laruan. Reading may sound boring to others but like what the quotation said, they still haven’t found the right book which will make them realize that reading is an enjoyable activity.
So when this reading workshop was introduced to us, I eventually became excited and nervous, especially when I saw the books that I will be using. Dahil bago sa akin ang reading workshop, naghanap ako ng information kung paano isinasagawa ang ganoon. I even visited the Facebook timeline of my former professor, Genaro Gojo Cruz who is also a Children’s book writer and a Palanca awardee, since I know I wouldn’t have a chance to talk to him personally about conducting a reading workshop for children. When I got the idea, I planned it out and made sure that my activity will be creative and enthusiastic as possible. Of course, on becoming a teacher, I took note of the possibility that some of my students will not be participative as expected since they will read books, so I got particular with the classroom management.
The first thing that I did was I prepared loot bags for my students. It contained two biscuits, a cupcake and a lollipop, that served as their giveaway. Bumili rin ako ng apat na kahon ng juice for their drinks. Saka ako namili ng iba’t ibang accessories tsaka dalawang balot na coated marshmallow bilang premyo para sa mga gagawin kong palaro at sa mga ispesyal na tanong na inihanda ko. Lastly, I prepared hotdog on sticks with mallows for their merienda. Feeling ko rin demo teaching ang mangyayaring workshop noong mga araw na naghahanda ako kaya I prepared my visual aids. I printed pictures that may help my students visualize and understand the stories that they will/have read.
On the day of my reading workshop, at first I thought it wouldn’t be successful as what I imagined kasi late nang dumating ang mga bata. Palibhasa bakasyon at karamihan sa kanila, kung hindi babad sa laro ay mga naghihilik pa sa kama. Sanay na akong magturo at humarap sa tao maliban sa araw na iyon na manunuod sa akin ang mga magulang ko sa unang pagkakataon, pati na rin ang mga taong nasa likod ng itinuturing kong matagumpay na reading workshop.
‘Di rin naman naglaon, nadagdagan din sila hanggang sa umabot sa 27 ang mga estudyante ko.
Una kong pinabasa ang “Bayong ng Kuting” kasi bukod sa gustong-gusto ko ang libro dahil mahilig ako sa pusa, nasa wikang Filipino rin ang orihinal na kuwento kaya mas madaling basahin. They read the book for almost twenty minutes then afterwards I discussed the first book interactively using the traditional type of tackling a short story. As expected, they fully understood the story since it was written in Filipino. Hindi sila aantok-antok sa pagsagot kasi kabisadong-kabisado nila ang takbo ng kwento. Ultimo ang bawat kuting ni Mingming at kung saan iniwan ang mga ito ng tatay ni Tonton ay memoryado nila. Bunga na rin ito marahil ng mga inihanda kong premyo para maging participative ang bawat isa sa kanila kaya masasabi kong naging matagumpay naman ang teaching strategy na ito.
In the end I made sure that the children learned something from what they read. Hinayaan kong tumbukin nila ang aral na itinuro ng libro sa pamamagitan ng pagtatanong; aral na may kinalaman sa
pagsunod at pagtitiwala sa utos at payo ng magulang, at aral ng pagpapahalaga sa mga hayop.
“Bakawan” ang sumunod na
librong ipinabasa ko sa kanila. When I gladly introduced the book to them and said that it was written in English, “the crowd went wild”. I think this is one of the hardest dilemmas a teacher could have. Pagdating kasi sa wikang Ingles takot na takot ang mga bata. Umuurong ang dila ng kundi man karamihan ay ng iilan kapag nalamang Ingles ang magiging talakayan. Ang mahirap pa rito, pagbasa ang aktibidad nila sa oras na iyon. Sabi nga ni F. Sionil, walang kultura ng pagbasa ang mga Pilipino kaya kung tutuusin, mahirap hikayatin ang karamihan sa mga kababayan nating magbasa lalo na kung ito ay nasa wikang banyaga.
My original plan for discussing this story is the same with “Bayong ng Kuting”. Unfortunately, the children were not comfortable reading “Bakawan”. Hindi na nagbabasa ang iba sa kanila at sa halip ay nagku-kuwentuhan na. Ang iba naman, nagbabasa nga ngunit napakalakas kaya lumilikha ng ingay. I thought they could only read it but without comprehension. So I changed my reading strategy. Altogether we read and explain the story page by page. Afterwards I let them realized the importance of cooperation. unity, and being responsible in using the environment that God has entrusted.
The reading workshop was indeed successful. Natutuwa ako dahil higit pa sa isang pagbabalik ng utang na loob, ay isa ako sa naging bahagi ng
reading workshop upang alalahanin ang legasiya ng manunulat na si Bb. Mae Astrid Tobias. Kasi gaya niya at ng kanyang pamilya, mahal ko ang libro. Mahal ko ang pagsulat at naniniwala ako sa kapangyarihan ng mga salita, ng pluma, ng mga kwentong naisulat na at isusulat pa. Naniniwala akong hindi nasayang ang oras at pagkakataon na nabasa ng mga batang aking tinuruan ang kanyang mga libro, sapagkat sa mga darating na panahon ay maaalala nila ang mga kwento nito at ang mga aral na nakapaloob dito.
Mae Astrid Tobias: she wrote. Now she is written.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.